Presidente ng Pilipinas at ang kanilang kontribusyon

 Emilio Aguinaldo  

Unang Pangulo ng Unang Republika
Panunungkulan:
Mayo 24, 1899 - Abril 1, 1901

Ginampanan niya ang pamumuno sa KKK pagkatapos mahuli at ipapatay si Rizal. I pinahayag niya ang kalayan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Pinamunuan niya ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston.
Binuksan ang pambansang pautang . Pinabukas kaagad ang mga paaralang elementarya . Naglabas ng dalawang dekrito , isa noong Hunyo 18 at isa naman sa ika-20 para ayusin ang sistema ng gobyerno sa mga probinsya at bayan . .


Manuel L. Quezon 

Ika-2 Pangulo ng Pilipinas
Unang Pangulo ng Komonwelt
Panunungkulan:
Nobyembre 15 , 1935 – Agosto 1 , 1944

Pinahalagahan niya ang wikang pambansa . Ipinatupad ni Quezon ang Eight-hour Labor Law dahil sa problema sa paggawa sa lupa . Ipinatupad rin niya ang Minimum Wage Law . Pinaunlad ni Quezon ang pambansang seguridad sa tulong ng National Defense Act.
Naipatupad rin ang Payne-Aldrich Law na nagpababa ng ating buwis . Nagpatayo ng mga gusali . N akakaboto ang mga kababaihan at nakakasali sa pulitika at; Libreng edukasyon natugunan ng pansin ang industriya ng kabuhayan .



José P. Laurel 

Ika-3 Pangulo ng Pilipinas
Unang Pangulo ng Ikalawang Republika
Panunungkulan:
Oktubre 14, 1943 - Agosto 17, 1945

Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.


Sergio Osmeña

Ika-4 na Pangulo ng Pilipinas
ikalawang Pangulo ng Komenwelt
Panunungkulan:
Agosto 1, 1944 – Mayo 28, 1946

Sa pagkakatalaga niya sa posisyon at muling pagkakatatag ng Commonwealth Government, unang binigyang-tuon ni Osmeña ang pagbangon ng Pilipinas mula sa sinapit nitong pagkasira dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Muli rin nyang isinaayos ang mga sangay ng gobyerno. Binuo niya ang kanyang gabinete at binuhay ang kapangyarihan ng Kataas-taasang Hukuman.
Sa ilalim ng pamahalaang Osmeña, naging miyembro tayo ng International Monetary Fund at International Bank for Reconstruction and Development.
Itinulak din ni Osmeña sa US Congress ang pagpapasa ng Bell Trade Act.


Manuel Roxas

Ika-5 Pangulo ng Pilipinas
Ikatlong Pangulo ng Komonwelt
Unang Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan
28 Mayo 1946 (bilang Pangulo ng Komonwelt);
4 Hulyo 1946, (bilang Pangulo ng Ikatlong Republika) – 15 Abril 1948

naiproklama ang Kasarinlan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos. Ito ang dahilan kung bakit si Roxas ay tinaguriang huling pangulo ng Commonwealth at unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Pagsasaayos ng mga nasirang istraktura tulad ng mga kalsada at paaralan. Pagtatatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas upang mapayabong ang ekonomiya ng bansa. Ipinroklama niyang gawing epektibo sa buong bansa ang Rice Share Tenancy Act of 1933, na sinusugan ng Republic Act 1946 o ang Tenant Act. Ipinagkaloob din ni Roxas ang amnestiya sa lahat ng mga kinasuhan at sinasabing nakipagsabwatan sa mga Hapon


Elpidio Quirino

Ika-6 na Pangulo ng Pilipinas
Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan
18 Abril 1948 (halal 30 Disyembre 1949) – 30 Disyembre 1953

Sa kanyang pamumuno, maayos na nakabangon ang bansa mula sa pagkasirang tinamo nito sa World War II.
Lumago din ang ekonomiya ng Pilipinas ng halos 9.5% sa pangkalahatan ng kanyang pamumuno.Sa tulong ng Estados Unidos at pangunguna ni Quirino, umusbong ang maraming pabrika sa bansa na nagbigay ng oportunidad sa mga Pilipino na magkaroon ng trabaho.
ipinatayo niya ang mga hydroelectric power plants sa Maria Cristina Falls at sa Bulacan upang punuan ang lumalaking pangangailangan ng bansa sa kuryente. Itinatag ang Social Security Commission at ang President’s Action Committee on Amelioration.


Ramon Magsaysay

Ika-7 Pangulo ng Pilipinas
Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan
30 Disyembre 1953 – 17 Marso 1957

Bilang pinakamalinis na pamahalaan mula sa kurapsyon. Sa katunayan, kinilala ang Pilipinas noon bilang 2nd Cleanest and Well-Governed Country sa buong Asya. Pagtatatag ng Resettlement and Rehabilitation Administration o NARRA na nagbigay ng lupa sa mga walang nito. Higit na itinuon ang proyekto para sa mga rebel returnees na naninirahan sa Palawan at Mindanao. Nilagdaan din niya ang Republic Act No. 1199, na nagbigay ng seguridad sa trabaho sa mga nagsasaka ng lupang hindi nila pagmamay-ari. Nakapagtatag ng Agricultural Credit Cooperative Financing Adminstration na makapagpapahiram ng kinakailangang puhunan sa mga maliliit na magsasaka.


Carlos P. Garcia

Ika-8 Pangulo ng Pilipinas
Ika-apat na Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan
23 Marso 1957 (halal 30 Disyembre 1957) – 30 Disyembre 1961
Inilunsad niya ang patakarang "Pilipino Muna " noong ika-21 ng Agosto 1958. Ipinagpatuloy rin ni Garcia ang pakikipag-ugnayan sa mga karatig-bansa sa Asya . Muling pagpapalakas ng demokrasya sa bansa sa pamamagitan ng paggalang sa mga karapatang pantao .
Muling pagsasabuhay ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gantimpala at parangal sa mahuhusay na Pilipino sa larangan ng sining , agham , at panitikan (Republic Cultural Heritage Award) Paglikha ng Jose Rizal Centennial Commission na namahala sa pagdiriwang ng First Centenary of the National Hero of the Philippines noong ika-19 ng hunyo 1971.

Diosdado Macapagal

Ika-9 na Pangulo ng Pilipinas
Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan
30 Disyembre 1961 – Disymbre 30, 1965

Pagsasabatas ng Agricultural Land Reform o Republic Act No. 3844, na nagbukas ng oportunidad na magkaroon ng sariling lupang sakahan ang mga maliliit na magsasaka sa bansa. ibinukas ng kaniyang administrasyon ang merkado sa mga pribadong mangangalakal. Pagpapagawa ng mga imprastraktura tulad ng mga kalsada, mga puerto at paliparan. Pagtatatag ng Philippine Veterans’ Bank, ang paglilipat ng paggunita ng ating araw ng kasarinlan mula ika-4 ng Hulyo sa ika-12 ng Hunyo. Pinalakas ang aksyon ng bansa sa international tribunal kaugnay sa karapatan na muling mapasakamay sa Pilipinas ang North Borneo o kilala na ngayon bilang Sabah. Gumawa rin ng mga polisiya si Macapagal na maka-eengganya sa mas marami pang mamumuhunan sa pamamagitan ng pagsisilbi ng gobyerno bilang taga-endorso ng mga aktibidad.


 Ferdinand Marcos

Ika-10 Pangulo ng Pilipinas
Ika-anim na Pangulo ng Ikatlong Republika
Unang Pangulo ng Ika-apat na Republika
Panunungkulan
30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986

Pagsasaayos ng imprastraktura, kuryente, tubig, pagpapatatag ng sistema ng hudikatura at ng sandatahang lakas, paglaban sa kriminalidad at kurapsyon ang tinutukan niyang mga proyekto.
Programa sa Reporma sa Lupa . Paglinang sa Kulturang Pilipino. Ipinatayo si Marcos na mga ospital tulad ng Lung Center, Philippine Heart Center, Kidney Center at Children's Medical Center.
Nagawa ni marcos ay ang Tenants Emancipation Decree kung saan binibigyan ang mga magsaswaka ng limang ektarya ng lupa at tatlong ektarya naman sa may patubig,ministry of human settlement na pinamunuan ni Imelda Marcos. Inilipat ang mga iskwaters sa kamaynilaan sa ilang resettlemaent site na malapit sa Metro Manila.


Corazon Aquino

Ika-11 Pangulo ng Pilipinas
Ikalawang Pangulo ng Ika-apat na Republika
Unang Pangulo ng Ikalimang Republika
Panunungkulan
25 Pebrero 1986 – 30 Hunyo 1992
Pagrereporma sa Family Code of the Philippines at ang pagbabago ng istraktura ng Ehekutibong Sangay ng Gobyerno sa pamamagitan ng Administrative Code of 1987. Kabilang sa una niyang pinagtuunan ng pansin ang pagbabayad sa noo’y 26 na bilyong dolyar na utang ng bansa. binuwag ang mga cartel at monopolya. Ibinukas din ang merkado sa mga nais mag-negosyo, banyaga man o lokal na negosyante. ipinasa ng Kongreso ang Republic Act Number 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Law na nagbigay-daan sa pamamahagi ng mga lupaing agrikultura sa mga “tenant-farmers” mula sa mga may-ari nito.

Fidel V. Ramos

Ika-12 Pangulo ng Pilipinas
Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika
Panunungkulan
30 Hunyo 1992 – 30 Hunyo 1998

lumikha ng batas na magtatatag ng isang Kagawaran ng Enerhiya. Subalit, labis pa riyan ang kaniyang nakuha, pinagkalooban siya ng Kongreso ng dagdag na kapangyarihan upang magbigay-lunas ang energy crisis sa bansa. inilunsad ng Pamahalaan ang sistemang Build-Operate-Transfer o BOT Scheme. Sa ganitong sistema, inanyayahan ang mga negosyanteng magtayo ng isang istrakturang sa mga nakaraang administrasyon, gobyerno ang inaasahang magsagawa, tulad na lamang ng mga tollways, power plants at mass transport systems. Usaping pangkapayapaan sa pamamaraan ng isang kasunduan sa Moro National Liberation Front o MNLF na pinamumunuan ni Nur Misuari.

Joseph Estrada

Ika-13 Pangulo ng Pilipinas
Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika
Panunungkulan
30 Hunyo 1998 – 20 Enero 2001

Maigsi ang naging termino ni Erap na nagsimula sa kalagitnaan ng pagdanas ng bansa ng epekto ng Asian financial crisis at pagharap sa mga problema sa sector ng agrikultura na umusbong dulot ng mga kalamidad na naganap sa bansa.
Pagdedeklara niya ng all-out war labang sa grupong Moro Islamic Liberation Front o MILF kung saan matapos ang tatlong buwan mula nang idineklara ang giyera laban sa naturang grupo ay muling napasakamay ng militar ang Camp Abubakar na nagsisilbing headquarters ng MILF. Kabilang din sa napasakamay ng mga sundalo ang 13 malalaking kampo 43 maliliit pang kampo ng MILF, na noo’y kinikilala pa bilang isang teroristang grupo.

Gloria Macapagal Arroyo

Ika-14 na Pangulo ng Pilipinas
Ika-apat na Pangulo ng Ikalimang Republika
Panunungkulan
20 Enero 2001 – 30 Hunyo 2010

Umabot sa 4.5% ang average economic growth ng bansa, mas mataas kaysa sa Administrasyong Cory Aquino, Ramos at Estrada. Sa katunayan, napabilang ang Pilipinas sa mga kakaunting ekonomiya sa timog-silangang Asya na hindi nagbago ang takbo sa kabila ng naganap na global financial crisis noon taong 2008. naisa-batas ang kontrobersyal na Expanded Value Added Tax Law na nagsilbing centerpiece ng kanyang Economic Reform Agenda. Bukod sa iba pang mga nai-ambag ng Arroyo Administration sa paglago ng ekonomiya ng bansa, natatandaan ito ng karamihan dahil sa polisiya ng pagpapatupad nito ng holiday economics na naglalayong palakasin ang domestic tourism.

Benigno Aquino III

Ika-15 Pangulo ng Pilipinas
Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika
Panunungkulan
Hunyo 30, 2010 – Hunyo 30, 2016

Lumago ang ekonomiya ng bansa. Masiglang ini-uulat ito ng pangulo sa kanyang mga isinagawang State of the Nation Address o SONA. Katulad na lamang ng pagdami ng mamumuhunan sa iba’t ibang sektor ng gobyerno na nagbibigay ng serbisyo at trabaho sa taumbayan. tumaas ang bilang ng nabibigyan ng tulong pampinansyal sa pamamagitan ng Conditional Cash Transfer Program, at sinasaklawan ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth. Pagsasakatuparan ng minimithing rice self-sufficiency. pagpapatupad ng K to 12 Program. AFP Modernization Program

Rodrigo Duterte

Ika-16 na Pangulo ng Pilipinas
Kasalukuyan
Panunungkulan
Hunyo 30, 2016
Pagdeklara At Pag-Extend Ng Martial Law Sa Mindanao
Pagpapalibing Kay Marcos
All-Out War Laban Sa Mga Pwersang Rebolusyonaryo. Madugong Kampanya Kontra-Droga
Mga Militar, Neoliberal Sa Gabinete.. At Iilang Progresibo. Paglunsad Sa Neoliberal Na Pdp At Build, Build, Build. Panukalang Comprehensive Tax Reform Package. Department Order 174 At Pagbasura Sa Pambansang Dagdag-Sahod
Peace Talks. Nagsasariling Patakarang Panlabas?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

CROP PRODUCTION TOOLS, IMPLEMENTS AND EQUIPMENT

Short Story